RABIES: Tahol, Goyo! Tahol!
Ang pangkat ay masusing pumili ng isang komunidad na malayo sa kamaynilaan. Maraming lalawigan sa bansa ang hindi napagtutuanan ng pansin ang kanilang mga suliranin. Ayon kay Mr. Sampana, isang miyembro ng pangkat, nakapagsabi na ang lalawigan ng Hagonoy ay may maraming problemang kinakaharap na hindi pa nalulutas. (REBUA)
Hagonoy, Bulacan
Hagonoy, Bulacan – Ang Hagonoy ay isang munisipalidad sa probinsya ng Bulacan na makikita sa may timog-kanlurang bahagi ng nasabing probinsya. Ang pangalang Hagonoy ay hango sa “hagunoy” isang halamang gamot na noon ay makikita lamang sa kung saaan saan sa mga ilog at dalampasigan sa nasabing lugar. Ito ay nahahati pa sa 26 na barangay na kinikilala ng Philippine Statistics Authority (PSA) bilang pook na urban. Maraming makikitang palaisdaan sa lugar na ito na nakakonekta sa Manila bay na magpapaliwanag kung bakit pangingisda ang pangunahing pinagkikitaan ng mga nakatira rito. Maraming mga nakukuhang yamang dagat dito tulad ng hipon, sugpo, tilapia, alimango, talaba, at iba pa. Ang mga taga Haganoy ay kilala bilang magigiliw na mamamayan lalong lalo na kapag fiesta sa kanilang lugar na nagaganap taun-taon. (SANTOS)
Paglalakbay sa Hagonoy
Ang aming paglalakbay patungo sa Hagonoy, Bulacan ay nagsimula ng 6:30 AM, at kami ay nagtagpo tagpo sa PhilCoa sa Quezon City. Isang makabuluhan at makabagong karanasan ang aming ginawa upang makita at maranasan ang talamak na problema sa Hagonoy, na rabies. Nang kami ay magkasama-sama sa Jollibee sa QC, bandang 6:45 AM ng umaga, kami ay sumakay na sa kotse ng aming kagrupo na si Mr. Quiambao. Binaybay naming ang Quezon City patungo sa NLEX na kung saan magdudugtong at maggagabay sa amin patungo sa Bulacan. Unang tigil namin, 7:15 AM, ay sa Petron sa NLEX makalampas lamang ng Valenzuela City. Kami ay nag-ipon muna ng lakas, kaya’t kami ay kumain ng aming mga almusal upang hindi magutom habang nabyahe patungo sa Bulacan. (SUAREZ)
Sakto 7:45 AM ay muli na kaming umalis at nagpatungo sa Malolos, Bulacan. Lumabas kami ng NLEX sa Tabang Exit upang pumasok sa Lalawigan ng Bulacan. “Guiginto, Bulakan”, ang unang senyales na nakarating na kami sa Bulacan, ito ay mga 8:10 AM. Binaybay naming ang lugar na ito hanggang sa makarating kami sa Malolos, at tumigil sa Graceland Mall upang tagpuin ang aming isa pang kagrupo na taga-Bulacan na si Mr. Sampana. Nang makarating siya. Kami ay umalis na ulit at sumunod sa kotse ni Mr. Sampana upang gabayan kami patungo sa aming destinasyon. (SUAREZ)
Malawak na kalsada sa Malolos ay napaltan ng maliliit at makikitid na daanan na halos magkasabitan ang mga kotse sa Paombong. Naging isang malaking balakid ito sa amin sapagka’t delikado ang daanan dahil narin sa mga Bus na dumadaan dito sa maliit na daanang ito. Ngunit hindi naming ito hinayaang pigilan kami upang makita ang problema ng mga taga-Hagonoy. Nakakita kami sa daan ng iba’t ibang palayan, pati narin isdaan. Nakita rin naming ang iba’t ibang pamumuhay ng mga Bulakenyo. (SUAREZ)
Simple ngunit masaya ang mga tao dito sa lalawigang ito na angbigay din sa amin ng motibasyon upang tulungan sila sa hirap na nadadanas nila sa kanilang lugar, lalo na sa Hagonoy. Papunta palamang sa Hagonoy, pamula Paombong ay nakikita na naming ang nagkalat na asong kalye na maaring maging rason upang makapangagat ito at makapagresulta ng rabies. Higit 10 ang aming nabilang papunta pa lamang Hagonoy. Bandang 9:00 AM, nakarating na kami sa Hagonoy, Bulacan. (SUAREZ)
Pagkadating namin sa Hagonoy ay ang una naming tinignan ay ang Health center sa barangay at tinignan namin ang mga serbisyong inaalok nila sa publiko. Sunod naming ginawa ay sinuri namin ang mga lugar sa barangay kung saan sinasabing talamak ang pagkakaroon ng rabies o ang pagkakaroon ng kagat ng aso. Napag-alaman ng aming grupo na walang mga kaukulang batas sa lugar na nagbabawal o nagkokontrol sa mga galang aso sa lugar na nakakawala lamang sa kung saan-saan. Ito ang nagiging dahilan kung bakit maraming aso ang pagala gala lamang sa lansangan na nakakakagat sa mga mamamayan ng barangay. (SANTOS)
Ang huli naming ginawa ay pinuntahan namin ang Sampana laboratory. Kami ay inilibot sa loob ng establishimento at pinakita saamin ang iba’t ibang bahagi ng laboratoryo tulad ng reception area at ang lugar kung saan mismo isinasagawa ang mga pagsusuri. Amin ring nakasalamuha ang iba’t ibang tao na nagtatrabaho sa loob ng laboratory. (SANTOS)
Ang sakuna sa Rabies
Ano nga ba ang mga resposibilidad na inihain sa isang rural health unit ng isang bayan? Ito ay ang mga sumusunod, una sa lahat, ang bigyang kahalagahan ang kalusugan ng bawat mamamayang nasasakupan, bigyang-atensyon ang bawat sakuna o sakit na maaaring lumaganap katulad ng leptospirosis dahil ang nasabing lugar ay laging binabaha dulot ng hightide. Sa kahabaan ng binagtas ng aming grupo, ang rural health unit ng Bayan ng Hagonoy ay aming nadatnang may mga pasyenteng nais magpagamot ng may iba’t ibang uri ng sakit. Hindi alintana kung gaano kahaba ang pila dahil may isa silang ninanais na gumaling. Ang karamihan ng may karamdaman ay ang isyu tungkol sa kagat ng aso. Makikita sa lathalaan ng health unit na may maraming naitalang nakagat ng aso dahil narin sa kapabayaan ng komunidad sa mga galang aso at ang pagpapasawalang-bahala sa nasabing problema. Bilang pagdaragdag, mayroong karaniwang tala o bilang na sampung pasyente sa loob ng isang araw at ang pinakamaraming tala ay labing limang pasyente. Nabatid rin na ang panahon ng may pinakamaraming nakagat ng aso ay tuwing marso hanggang sa buwan ng hunyo dahil ito ay panahon ng tag-init kung saan ang mga aso ay nagiinit rin ng katawan at ang posibleng dahilan ay ang pagiging iritable ng kanilang katawan. (SAMPANA)
Ang klinika na aming tinunguhan upang magsaliksik ng mga posibleng suliraning kinahaharap ng komunidad ay malinaw na nakita sa kadahilanang mahaba ang pila ng mga nagpapaturok ng anti-rabies booster. Aming napagdesisyunan na itong suliranin ay aming dapat pagtuunan ng pansin dahil ito ay malaking isyu sa kalusugan ng mga tiga-hagonoy. Batid ng isang nars na aming pinagkunan ng datos, na hindi ganoon kahaba ang pila noong nakaraang taon at habang tumatagal, ang bilang ng mga nakakagat ng aso ay tumataas. Upang maging maalam, inalam ng aming grupo ang mga tinuturok at mga presyo nito. Nakadepende ang presyo sa lawak o laki ng sugat. Ang unang turok sa araw ng kagat ay may halagang 375 pesos habang ang pangalawang turok sa ikatlong araw pagkatapos makagat ay 750 pesos, 750 pesos ulit para sa pangatlong turok sa ikapitong araw pagkatapos makagat at ang huling booster sa ikapitumput-walong araw ay nagkakahalagang 375 pesos. Ito ay may kabuuang halaga na 2250 pesos. (SAMPANA)
Rabies
Ang rabies ay isa sa mga nakakahawa at nakakamatay na sakit ng mga aso at ng iba pang hayop na pwedeng magdulot ng kabaliwan at convulsions. Nagkakasakit ng rabies ang isa tao pag sila ay nakagat ng isang asong or hayop na may rabies. Nakukuha ng mga tao ang mikrobyo dahil lumapat ang laway ng hayop na may rabies sa kanilang katawan. Ang mga taong may rabies ay nagakakaroon ng hindi normal na galaw. Ang rabies ay nakakamatay pag hindi nagamot agad. Ang mga sintomas na nararamdaman ng mga may rabies ay lagnat, depression, pagkalito, pananakit ng katawan, pagiging sensitibo, pagka-uhaw at paglalaway. (Rebua)
Asong gala? Kalusugan ng tao nababahala.
Mapapansin sa litratong ito ang ilan sa mga nagkalat na asong gala o asong kalye sa mga kalsada ng Hagonoy, Bulacan. Ang mga aso na ito ay payat na payat, tila bumabakat ang kanilang mga buto sa tagilirang bahagi ng kanilang mga katawan. Ang iba pa sa kanila ay may galis o sugat sa balat. Napagtanto din ng aming grupo na ang mga asong it ay posibleng nagdadala ng rabies. Ayon sa PAWS (Philippine Animal Welfare Society), ang pangunahing dahilan ng pagdami ng populasyon ng mga asong kalye ay ang pagpapapabaya ng mga tao sa kanilang alagang aso. (QUIAMBAO)
Sa paglakad namin palibot sa lugar na kinatayuan ng laboratoryong aming pinuntahan, nadatnan namin ang asong ito na tila sumusunod sa dalawang tao at isang bata na may hawak-hawak na pagkain. Napansin ko na iyong aso ay bumubuntot sa mga tao dahil ito ay gutom at nag-aabang mabigyan o mahulugan ng kanilang kinakain. Sa katotohanan noong kinuha ko ang litrato ako ay kinabahan, sapagka’t nag-aalala ako sa bata na mapahamak at makagat ng aso. (QUIAMBAO)
Ito ang litrato ng isang bata na nakagat ng isang aso sa kaniyang paa. Kinwento niya sa akin na siya ay kinagat noong sila ay naglalaro ng kanyang mga kaibigan. Sa kasalukuyan noong kinuha ko ang litrato, nag-iintay na lamang siya kasama ng kanyang magulang na mabigyan at maturukan ng anti-rabies upang malabanan ang nakapangangabang sakit na rabies. (QUIAMBAO)
Isa na lamang si “kuya jerry” sa dinami-raming biktima ng kagat ng aso. Kwento niya sa amin, naglalakad lang daw siya sa kanto ng kanilang bahay, nang bigla siyang habulin at dakmain ng isang asong kalye. Bakas pa ang marka ng pangil ng aso sa kaniyang tagiliran, mabuti na lamang at naagapan ito dahil malapit lang ang kaniyang bahay sa clinic. Makikita sa litrato na tinuturukan ang sugat ng gamot na anti-rabies upang hindi ito kumalat at mas lumala. (ROJAS)
Nadatnan namin si “kuya Manuel” na tinuturukan ng anti-rabies na gamot. Kwento niya na ito na ang kaniyang pangatlong turok o “dose” ng gamot matapos siyang makagat ng asong kalye malapit sa kaniyang tinatrabahuhan noong isang linggo nang nakalipas. (ROJAS)
Ayon sa Center for Disease Control and Prevention, hindi sapat ang iisang turok lamang ng anti-rabies injeksyon sa taong nakagat ng aso o na “expose” sa rabies. Mayroong tinatawag na”Rabies Post-exposure Phropylaxis” kung saan kinakailangan ng tatlo o apat na turok matapos makagat; unang turok agad-agad sa pagkagat pa lamang, pangalawa sa ika-3 araw, pangatlo sa ika-7 araw, at pang apat sa ika-14 na araw. Ito’y importante upang masiguradong hindi kumalat ang virus sa katawan ng tao. (ROJAS)
MGA URI NG KAGAT NG ASO
Mababaw lamang o kalmot lamang
Maraming klasipikasyon ang kagat ng hayop na maaaring makuha, isa rito ay ang mababaw lamang o kalmot lamang ng aso. Ibig sabihin nito ay hindi ito masiyadong pumasok sa balat ng tao kundi sa ibabaw na parte lamang nito. Sa mga kasong ganito, maaaring hindi dumugo ang sugat ngunit dapat hindi maging kampante na hindi ito magtuloy sa rabies. Ang pangunang lunas na maaaring ibigay ay ang paglinis ng sugat gamit ang sabon at malinis na tubig, pagkatapos nito’y marapat lamang na ipagbigay alam sa doktor upang makonsulta ito agad.
Malalim na sugat
Sa mga ganitong uri ng kagat, ang pangil ng aso o hayop ay pumasok sa malalim na parte ng balat ng tao. Ito’y maaaring magdulot ng bahagya o labis na pagdurugo. Ang marapat na gawin ay hugasan muna ito ng sabon at malinis na tubig pagkatapos ay dalhin agad ito sa doktor upang maturukan ng gamot laban sa rabies. Ang mga pasyenteng nakaranas nito ay marapat lamang na maging priority sa mga center dahil maaaring mabilis kumalat ang virus at magsanhi ng mas malalang kondisyon. (ROJAS)
Mga Batas
REPUBLIC ACT NO. 9482 “Anti-Rabies Act of 2007” Ang pagkakaroon ng talamak na kaso ng rabies sa bansa ay pumukaw sa pansin ng gobyerno kaya naman gumawa sila ng batas upang ito’y maiwasan at makontrol; ang republic act no. 9482 “Anti-rabies act of 2007”. Ang layunin ng batas na ito ay maprotektahan ang karapatan sa kalusugan ng mga tao, at kontrolin at iwasan ang paglaganap ng rabies sa bansa. Ang Sec. 4 ng batas na ito ay “National Rabies Prevention and Control Program” kung saan nakasaad ang mga aktibidad na dapat gawin ng bawat lugar sa Pilipinas; (1) ang maramihang pag bakuna sa mga aso; (2) pagkakaroon ng “central database system” para sa mga rehistrado at mga nabakunahan na mga aso; (3) impounding at field control para sa mga hindi nabakunahan at rehistradong galang aso; (4) magsagawa ng impormatibo at edukadong kampanya ukol sap ag-iwas at pagkontrol sa rabies; (5) provision on pre-exposure treatment to high risk personnel and Post Exposure treatment sa mga biktima ng kagat ng hayop; (6) pagbibigay ng libreng bakuna sa mga estudyanteng may edad 5-14 na malapit sa mga lugar kung saan laganap ang rabies; (7) The program shall be implemented by the Department of Agriculture (DA), Department of Health (DOH), Department of the Interior and Local Government (DILG) and Department of Education (DepEd), as well as Local Government Units (LGUs) with the assistance of the Department of Environment and Natural Resources (DENR), Non-Governmental Organizations (NGOs) and People’s Organizations (POs). Ilan lamang ito sa mga batas na ipinapatupad ng gobyerno upang mawaksi ang laganap na rabies sa bansa. (ROJAS)
Sanggunian:
- http://publichealth.lacounty.gov/vet/rabiesmanualpdfs/pplerabvac.pdf
- Philippine Animal Welfare Society (n.d.). Why are there a lot of stray cats and stray dogs?. PAWS Philippines. Retrieved from http://pawsphilippines.weebly.com/strays-why-are-there-stray-cats-and-dogs.html
- https://www.cdc.gov/vaccines/hcp/vis/vis-statements/rabies.htmlp
- http://publichealth.lacounty.gov/vet/rabiesmanualpdfs/pplerabvac.pdf
- https://www.paws.org.ph/anti-rabies-act-ra-9482.html?fbclid=IwAR2XqFLb_rvxqPvxDcEHwQV03tolcndloFHTFGevEyq82UIGJqgnALsEpDU
No comments:
Post a Comment